Ipinanawagan ng isang grupo sa Cordillera Region ang agarang pagpapalaya sa isang 74-anyos na political prisoner matapos itong ma-ospital sa Kalinga.
Giit ng Cordillera Human Rights Alliance, si Marcos Aggalao ay mayroong karamdaman na nakaaapekto sa utak na tinatawag na “dementia.”
Si Aggalao ay nahaharap sa kasong murder, kasama ang isang Kennedy Bangibang na consultant ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines.
Ayon sa grupo, kahit ang Kalinga Provincial Jail ay aminadong hindi na nila kayang alagaan si Aggalao na paralisado na ang kanang bahagi ng katawan matapos ma-stroke noong nakaraang buwan.