Nakikipag-ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development sa Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development upang pag-aralan ang mga posibleng amyenda sa batas ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Binigyang-diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang kahalagahan ng 4Ps bilang pangunahing programa kontra kahirapan ng bansa.
Ayon sa Kalihim, isa itong pamumuhunan sa human capital at paraan para mawakasan ang kahirapan ng mga Pilipino.
Isa sa mga mungkahing enhancement ay ang pagbibigay ng micro-entrepreneurship training sa mga 4Ps graduates gamit ang mga kasalukuyang programa ng DSWD tulad ng Sustainable Livelihood Program.
Bukod dito, nagkasundo rin sina Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Raffy Tulfo na kailangang muling linangin ang anti-poverty programs ng gobyerno upang makalikha ng “culture of empowerment” at hindi umasa lamang sa tulong.
Sa kasalukuyan, mahigit 4.4 milyong kabahayan ang patuloy na nakikinabang sa 4Ps, na layuning mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang edad labing-walong taon pababa.
—Sa panulat ni Jasper Barleta