Minamadali na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalagay ng internet connection para sa distance learning.
Ito’y sa ilalim ng programang “Free Wi-Fi for All” kung saan layong matugunan ang pangangailangan sa internet connection ng mga pampublikong institusyon lalo’t hindi pinapayagan ngayon ang physical classes dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay DICT secretary Gregorio Honasan, inatasan na niya ang mga miyembro ng ‘Free Wi-Fi Internet Access in Public Places’ team at mga regional office nito na makipag-ugnayan sa Department of Eucation (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), state college and universities, at iba pang mga educational institutions para sa agarang paglalagay ng libreng Wi-Fi access.
Ani Honasan, malaki ang papel ng matatag na internet connection sa planong blended at distance learning ng DepEd kaya’t minamadali na ang pagpapatayo ng mga imprastraktura na tutugon sa inaasahang malaking demand sa internet.