Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglagay ng mahigit 9K free Wi-Fi sites sa bansa sa taong 2023 o mahigit doble kumpara ngayong taon.
Ito ang tiniyak ni Undersecretary for ICT Industry Development Jocelle Batapa-Sigue sa kanyang pagharap sa Senate Hearing hinggil sa panukalang budget ng Kagawaran sa susunod na taon.
Ayon kay Batapa-Sigue, karagdagang 3,273 free Wi-Fi sites ang target nilang ilagay sa unang bahagi ng 2023 kumpara sa 3,055 active sites sa mga pampublikong lugar hanggang nitong August 20, 2022.
Kabilang anya sa additional sites ang mahigit tig-isanlibong libreng Wi-Fi sa Luzon at Visayas, habang nasa 500 ang ilalagay sa Mindanao.
Sa ilalim ng National Expenditure Program para sa susunod na taon, aabot sa P7.232 billion ang inilaan para sa DICT.