Nalampasan na ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region ang naunang peak nito noong Agosto.
Ito ang inihayag ng OCTA Research Group makaraang makapagtala ng additional 1,600 COVID-19 cases sa Metro Manila kumpara sa 1,502 new cases noon namang Agosto a – 7.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido david, tumaas sa 18.5% ang positivity rate kumpara noong 15.7% habang sumampa sa 1.30 ang reproduction rate kumpara sa 1.21%.
Dumoble rin anya ang one-week growth rate ng kaso ng COVID-19 sa 25% noong linggo, September 25 kumpara sa 13% noong September 18.
Inaasahan ng OCTA na tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 hindi lamang sa NCR kundi sa iba pang bahagi ng bansa sa mga susunod na araw.