“Pulitika” ang pinaniniwalaang dahilan ng isang political analyst sa biglaan at ‘unceremonious dismissal’ kay dating PNP Chief, General Nicolas Torre III.
Aminado si UST Political Science Professor, Dr. Dennis Coronacion, na bawas “pogi points” para kay Pangulong Bongbong Marcos ang pagsibak kay General Torre lalo’t pamilyar na ang publiko sa mga sinakripisyo nito para sa administrasyon.
Sinang-ayunan naman ng propesor ang teyoryang maaaring maging banta sa mga kakandidato sa 2028 elections ang nakukuhang popularidad ng dating PNP Chief, kaya ito pinatalsik sa pwesto.
Samantala, naniniwala si Coronacion na ang nangyari kay Torre ay kapupulutan ng aral at isang patunay na walang sinuman ang nakatitiyak sa kanilang pwesto sa gobyerno, kahit gaano pa kalaki ang kontribusyong naibibigay nila sa publiko.