Maaaring hindi lang pagtanda ang dahilan ng pagkakaroon ng uban, kundi bahagi rin ito ng natural na depensa ng katawan laban sa kanser.
Ayon sa bagong pag-aaral ng University of Tokyo, natuklasang nagmumula ang uban sa mga stem cell sa hair follicles na kusang nasisira upang maiwasan ang pagbuo ng melanoma — isang uri ng kanser sa balat.
Kapag nasira ang DNA ng mga stem cell na ito, kusa na lamang namamatay upang hindi makapagparami ng posibleng cells na may kanser.
Gayunman, kapag na-expose sa mga carcinogen tulad ng ultraviolet B radiation, maaari pa ring magpatuloy ang pagdami ng mga cells at magdulot ng panganib.
Bagaman hindi direktang proteksyon laban sa kanser ang uban, ipinapakita ng pag-aaral kung paano binabalanse ng katawan ang pagitan ng pagkamatay ng mga cells at ang posibleng pagsisimula ng kanser.




