Tinawag na scandal ni Political Analyst Professor Ramon Casiple ang pagkakaroon ng 29 na Deputy Speakers ng kamara.
Ayon pa kay Casiple hindi kailangan ng ganoon karaming Deputy Speakers ng kamara dahil wala namang naipapakitang nagagawa bukod sa lalong lumalaki ang gastos ng mababang kapulungan.
Sinabi ni Casiple na ang pagkakaroon ng maraming Deputy Speakers ay isang political accommodation dahil nabigyan ng pwesto ang mga kongresistang naging instrumental sa pag-upo ni Congressman Lord Allan Velasco bilang house speaker.
Ang nasabing bilang ng Deputy Speaker ang pinakamataas sa kasaysayan ng kamara.
Kabilang naman sa mga bagong itinalagang Deputy Speakers sina Congressmen Arnulfo Teves, Rimpy Bondoc, Bernadette Herrera-Dy, Kristine Singson Meehan, Divine Grace Yu, Rogelio Pacquiao, Bienvenido Abante, Weslie Gatchalian at Eric Martinez.