Tama lang na maalis sa listahan ng mga partylist na lalahok para sa 2022 National at Local Elections ang mga grupong Kabataan at Gabriela.
Ito ang inihayag ni National Security Adviser at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman Sec. Hermogenes Esperon Jr.
Ayon kay Esperon, patuloy na lumalabag sa saligang batas ang mga naturang grupo dahil tumatanggap ang mga ito ng pondo mula sa mga banyagang Non Government Organization (NGO).
Sa Zoom briefing ng NTF ELCAC, idinetalye ni National Intellegence Coordinating Agency Dir/Gen. Alex Monteagudo na bilyun-bilyong piso ang kinikita ng mga komunista sa kanilang mga operasyon
Maliban kasi sa pangangalap ng pondo mula sa ibayong dagat, tuloy-tuloy din ang ginagawang pananamantala ng mga rebelde sa kanilang pangingikil partikular na sa mga telco, agri-business, mining at construction firm, transport, commercial establishment maging sa mga pulitiko. —sa panulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)