Nagpapatuloy ang search operations sa mga nakatakas na preso sa North Cotabato District Jail matapos ang pagsalakay kahapon ng mahigit isandaang (100) armadong lalaki na hinihinalang miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni NCDJ Officer-in-Charge Supt. Peter Bongat.
Ayon kay Bongat, karamihan sa mga nakapugang preso ay nahaharap sa kasong illegal possession of explosives.
Nanindigan si Bongat na walang pagkukulang ang kanilang mga tauhan, sa kabila ng nangyaring jailbreak.
Kidapawan City
Samantala, suspendido ang klase sa limang (5) paaralan sa Kidapawan City ngayong Huwebes hanggang bukas.
Inanunsyo ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang class suspension kasunod ng pagsalakay sa North Cotabato District Jail na nagresulta sa pagtakas ng 158 preso.
Kabilang sa mga paaaralan na walang klase ay ang Amas Central Elementary School, Amas National High School, Puas Inda Integrated School, Patadon Elementary School at Malinan Elementary School.
Ginawa ng alkalde ang naturang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral habang patuloy ang pursuit operations sa mga tumakas na bilanggo.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita