Asahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga ihahain na reklamo laban sa mga sangkot na opisyal ng Department of Public Works and Highways at kontraktor ng flood control projects.
Kasunod ito ng paghahain ng Commission of Audit at DPWH ng limang (5) fraud audit reports sa Office of the Ombudsman.
Paliwanag ni DPWH Secretary Vince Dizon, na kada proyekto ng mga kontraktor at sangkot ang isasampa nilang kaso.
Kaya’y asahan na halos araw-araw anya sila maghahain ng kaso sa Ombudsman.
Kabilang sa mga sinampahan ng kagawaran sina District Engineer Henry C. Alcantara, Assistant District Engineer Brice Ericson D. Hernandez, Project Engineer Paul Jayson F. Duya, Construction Section Chief Jaypee D. Mendoza at iba pa.
Sinisiguro ng kalihim na hindi niya titigilan ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Nilinaw naman ni Secretary Dizon na ang Ombudsman mismo ang maghahain ng kaso laban sa mga sangkot pero maghahain sila ng mga may kaso na anti-graft and corruption practices, malversation, at falsification.