Nakakasa na ang 10,000 job orders sa Singapore para sa mga manggagawa.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), posibleng magdulot ito ng mas magandang oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.
Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na sa mga susunod na buwan inaasahang mapupunan na ang mga aprubadong job order dahil na rin sa mabilisang pangangailangan ng Singaporean employers.
Kabilang sa mga aprubado ng job orders mula sa mga Singaporean employers ay ang aviation industry, medical industry, engineering industry, education industry at I.T. sector.
Samantala, umaasa naman si Secretary Ople na mas malaki pa ang demand para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Singapore kasunod na rin ng matagumpay na state visit ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa naturang bansa.