Pag-aaralan ng Department of Science and Technology (DOST) ang paggamit ng virgin coconut oil (VCO) bilang gamot sa mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Ms. Beth Padilla ng Public Information Office ng DOST, isasagawa ang pag-aaral sa mga ospital at mga komunidad.
Katuwang aniya ng DOST sa pagnanaliksik na ito ang virgin coconut oil clinical studies/research, UP-PGH at ang Philippine Coconut Authority.
Layon ng research na may titulong “virgin coconut oil and omega 3A adjunctive therapy for hospitalized patients with COVID-19” na matukoy ang epekto sa kalusugan ng VCO kapag ito ay ipinainom sa pasyenteng may bahagya hanggang sa malalang kondisyon ng COVID-19.
Posibleng tumagal umano ng apat na linggo ang nasabing pag-aaral.