Matapos ang dalawang taong suspensyon ng mga aktibidad dahil sa Covid-19 restrictions, pangakalahatang naging mapayapa ang pagdiriwang ng Sinulog, bilang bahagi ng Pista ng Sto. Niño De Cebu.
Kinumpirma ni Regional Office-Central Visayas chief, Brig. Gen. Jerry Bearis na walang masyadong naitalang “untoward incidents” maliban sa ilang insidente ng pandurukot sa south road properties.
Kabuuang 16 na contingents naman ang lumahok sa grand parade, mula sa orihinal kahapon.
Dahil dito, pinasalamatan ni Cebu City Mayor Michael Rama ang lahat ng performers, sa kabila ng desisyon ng 10 iba pang contingents na umatras dahil bunsod ng maputik na venue.
Samantala, tinanghal na grand winner sa ritual showdown ng Sinulog Festival 2023 ang contingent mula Surigao Del Norte.
Nag-uwi ang Omega De Salonera Dance Troupe ng P1 Million cash para sa free interpretation category ng ritual dance at nakatakdang mag-perform muli mamaya.