Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbisita sa mga sementeryo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, alinsunod sa ipinalabas na panuntunan ng IATF para sa nabanggit na karagdagang probisyon, limitado lamang sa hanggang 10 katao ang maaaring dumalaw sa kada isang yumao.
Kinakailangan din ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum health standards tulad ng physical distancing at palagiang pagsusuot ng face mask.
Samantala, ipinauubaya naman ng iatf sa pamunuuan ng mga sementeryo at memorial parks ang pagpapasiya sa bilang ng mga taong papayagan nilang makapasok nang sabay-sabay sa sementeryo.