Nanawagan sa publiko ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP na huwag bumili ng maramihang gamot sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa hepe ng CBCp Ministry on Health na si Bishop Oscar Jaime Florencio, hindi kailangang bumili ng marami lalo na kung hindi naman ito kailangan.
Sinabi ni Florencio na nadadala ang publiko dahil sa balitang nagkakaubusan na ng gamot katulad ng paracetamol sa mga botika sa National Capital Region (NCR).
Bukod pa dito, nauuso din ang ibat-ibang uri ng sakit gaya ng ubo at sipon dahil sa pabago-bagong panahon.
Matatandaang kahapon ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang sa kaso ng COVID-19 matapos sumampa sa mahigit tatlumput tatlong libo ang positive cases sa bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero