Tiwala ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na maaabot nila ang target na 100% drug free Philippines bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Iyan ang pagmamalaki ni PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino kasunod ng naging pahayag ng pambansang pulisya na nagtatagumpay na ang pamahalaan sa kampaniya nito kontra iligal na droga.
Inihayag ito ni Aquino sa kabila ng bilyun-bilyong piso pisong mga nakukumpiskang shabu sa samu’t saring mga operasyon at marami na rin ang naarestong drug suspek.
Gayunman, sinang-ayunan ni Aquino ang pahayag ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde na marami nang nagbago sa tatlong taon mula nang ilunsad ang war on drugs na kung saan, aabot na sa 12,000 barangay ang napalaya na sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.
Kanina, lumagda ng memorandum of agreement ang PDEA at Arellano University sa Maynila para sa pagbibigay ng mga scholarship grant sa anak ng mga nasawing PDEA agent.