Muling isinulong ni Senador Win Gatchalian sa Senado ang pagbabawal sa paggamit ng mga smartphone sa silid-aralan para sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.
Unang inihain ni Gatchalian ang Electronic Gadget-Free Schools Act noong nakaraang 19th Congress.
Muli niyang inihain ang panukalang batas ngayong 20th Congress. Sa ilalim ng naturang panukala, saklaw ng isinusulong na ban ang mga guro at mag-aaral mula kindergarten hanggang senior high school.
Ngunit may mga exceptions na nakasaad sa panukalang batas: kapag kailangang gamitin ito sa classroom presentations, kung may kinalaman sa kalusugan kagaya ng mga kondisyong nangangailangan ng electronic gadgets, at kung kinakailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral o mga emergency situation.
—Sa panulat ni Jem Arguel