Palalakasin pa ng Department of Health (DOH) ang pagbabantay hinggil sa posibleng mutation ng Monkeypox virus.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi isinasantabi ng pamahalaan ang nabanggit na posibilidad na base na rin sa pahayag ni Dr. Rontgene Solante na maaaring mag-mutate ang Monkeypox ng anim hanggang 12 strain dulot ng global outbreak.
Paliwanag ni Vergeire, normal sa virus ang mutations, pero ikinababahala niya na mas mabilis ito lalo kung ang mga tatamaan ay ang vulnerable sector at immunocompromized individuals.
Samantala, nakahanda aniya ang pamahalaan para mas paigtingin ang surveillance, quarantine at isolation upang tiyak na maiwasan ang pagkalat ng monkeypox virus sa bansa.