Aminado ang Commission on Higher Education na nakadepende ang pagbabalik ng face-to-face classes sa kolehiyo sa pangangailangan ng physical classes upang makamit ang skill at curriculum flexibility.
Ipinunto ni CHED Chairman Prospero De Vera na magkakaroon ng “uniformity” sa implementasyon ng pagbabalik ng limitadong in-person classes.
Ayon kay De Vera, ang mga degree program ang kanilang magiging batayan sa halip na ang lebel ng quarantine classifications.
Prayoridad anya ang mga estudyanteng kailangan ng hands-on experience upang magkaroon ng dagdag na skills
Ipinaliwanag ni De Vera na mahalaga ang physical classes upang mahubog ang kakayahan ng mga estudyante lalo ang mga ga-graduate, kaya’t kabilang sa unang isasalang ang medicine at allied health and sciences courses. —sa panulat ni Drew Nacino