Sumampa na sa P692 milyon ang pinsalang dulot ng bagyong Maring sa sektor ng agrikultura.
Naitala ng Department of Agriculture ang pinsala sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol at Western Visayas regions.
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga palayan, maisan, high value crops, livestock at fisheries.
Aabot sa 36,354 metric tons na pananim at 32,882 hectares ng taniman ang naapektuhan ng kalamidad.
Tinaya naman sa 29,063 na magsasaka sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas regions ang apektado.—sa panulat ni Drew Nacino