Hindi ang mababang COVID-19 testing ang dahilan kung bakit bumababa na ang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Iginiit ito ni acting spokesperson at cabinet secretary Karlo Alexei Nograles kasunod ng sinabi ng World Health Organization (WHO) na maraming lugar sa bansa ang pababa na ang kaso dahil sa mababang testing.
Ayon kay Nograles, hindi ito ang kaso sa pilipinas dahil kung pagbabasehan ang status ng bansa, bumababa ang kaso dahil sa mababang positivity rate.
Ipinapakita lang aniya nito na bumababa na ang trend ng kaso dahil sa vaccination efforts ng pamahalaan.
Pero sa kabila nito, nanawagan si Nograles sa publiko na patuloy sa sumunod sa minimum health protocols. - sa panulat Abigail Malanday