Sa halip na magdiwang ng Pasko, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas pagtutuunan niya ang pagkakaloob ng tulong pinansyal sa lahat ng lalawiganng hinagupit ng bagyong Odette.
Sa kanyang pagbisita sa Puerto Princesa, Palawan kahapon, inihayag ni Pangulong Duterte na nais niyang maglibot sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad sa mga susunod na araw.
Gayunman, aminado ang pangulo na hindi niya mabibisita ang lahat ng lugar dahil sa posibleng problema sa landing site.
Umaasa rin ang punong ehekutibo na maibibigay na sa mga biktima ng kalamidad ngayong bisperas ng pasko ang ayuda na kasalukuyang dina-download ng mga local government unit.