Ikinagalak ng Public Attorney’s Office ang naging kautusan ng Korte na arestuhin ang dalawang pulis na idinadawit sa pagkamatay nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo ‘alyas Kulot’ De Guzman.
Sinabi ni PAO Chief Atty. Percida Acosta , tumatayong abogado ng dalawang biktima, na nanaig ang katarungan sa bansa sa ginawang pag – iisyu ng ‘arrest order’ ng Caloocan Court Laban kina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.
Nabatid na walang piyansang inirekomenda laban sa dalawang Caloocan Police na nahaharap sa patung patong na kaso kabilang na ang dalawang bilang ng kasong murder.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Arnaiz sa C3 road sa Caloocan na may mga tama ng bala ng baril habang natagpuan naman ang bangkay ni De Guzman sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija na may 26 na saksak sa katawan.