Ipinagkibit-balikat ni accredited International Criminal Court Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti ang napaulat na pag-disqualify ng I.C.C. kay Chief Prosecutor Karim Khan.
Nabatid na iniutos ng I.C.C. na i-disqualify si Prosecutor Khan dahil sa sinasabing sexual misconduct nito, dahilan kung bakit siya naka-leave sa pakikilahok sa kaso ni Duterte sa nasabing korte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Atty. Conti na walang bigat sa kasong kinakaharap ng dating Pangulong Duterte ang pag-disqualify mismo ng I.C.C. kay Prosecutor Khan, kahit pa inamin anya nito noon na tumulong siya sa pag-interview sa ilang sinasabing biktima ng war on drugs campaign ng dating administrasyon.
Dagdag pa ni Atty. Conti na sakali mang hindi na makabalik si Prosecutor Khan, tuloy ang trabaho ng prosecution team dahil may katuwang naman ito na magsisilbing in charge sa kaso.