Nananatili pa rin ang posibilidad na maging ganap nang bagyo ang binabantayang LPA o Low Pressure Area sa silangan ng bansa sa loob ng 48 oras.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nabaggit na LPA sa layong 580 kilometro silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Samantala, patuloy pa ring nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng bansang southwest monsoon o habagat.
Dahil dito, asahan na ang maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA at Visayas.
Habang makararanas naman ng maalinsangang panahon ang nalalabing bahagi ng bansa maliban na lamang sa mga localized thunderstorms.