Aminado ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na nanghinayang at nabigla sila sa pagkakasibak kay General Nicolas Torre the Third bilang PNP chief.
Ayon kay VACC President Arsenio “Boy” Evangelista, malaking kawalan kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior si General Torre dahil sa malakas na ‘political will’ at bukod pa sa taglay nitong tapang sa pagpapatupad ng batas.
Nasubukan na rin anya ang sinibak na hepe ng pambansang pulisya pagdating sa paghawak ng malalaking kaso at paglilinis sa hanay ng PNP kaya’t napakalaking hamon para sa susunod na PNP chief na tapatan o higitan ang iniwang marka ni Torre.
Sa kabila nito, kumpiyansa si Evangelista na mapamumunuan ni PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Junior nang maayos ang institusyon.