Mahalagang magkaroon ng batas na tututok sa pangangailangan ng mga pasyenteng may kanser.
Ito ang binigyang diin ni Senator Sonny Angara kasabay ng pagsusulong ng kanyang panukalang batas na naglalayong maglaan ang gobyerno ng 30 bilyong piso bilang cancer assistance fund.
Sa Senate Bill 1570 ni Angara, nakasaad na pitong Pinoy ang namamatay sa kanser kada oras, batay na rin sa report ng Cancer Coalition of the Philippines.
Giit ni Angara, napakalaking pera ang dapat ilaan para sa laboratory tests, mga gamot, medical supplies, nutritional supplements, at maging sa chemotherapy kaya’t mahalagang ayudahan ng pamahalaan ang mga may karamdaman.
Ayon sa panukala, mapupunta sa Cancer Control and Management Program ang 10 porsyentong kita ng gobyerno sa excise tax ng mga sigarilyo at alak.
—-