Ang militar at hindi ang Maute Terror Group ang siyang sumugod sa Marawi City na siyang naging ugat ng mag-iisang buwan nang gulo ruon.
Ito ang binigyang diin ni Albay Rep. Edcel Lagman sa pag-arangkada ng oral arguments ng Korte Suprema kaugnay sa mga inihaing petisyon duon na kumukuwesyon sa ligalidad ng idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayonk ay Lagman, hindi aniya maituturing na aktwal na rebelyon o pananakop ang pag-usbong ng terorismo sa Marawi kaya’t hindi ito maaaring gamiting batayan para ibagsak ang batas militar at idamay pa ang buong rehiyon.
Iginiit pa ni Lagman na hindi awtomatikong babagsak sa rebelyon ang acts of terrorism kaya’t may hiwalay na batas na ipinasa ang Kongreso para parusahan ang mga nasasangkot sa terorismo sa ilalim ng Human Security Act.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo