Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Quezon City Government, Climate Change Commission Ambassador ng Australia at maging ang kinatawan ng United Nations ang paglulunsad ng panibagong Oplan Metro Yakal Plus.
Nakasaad dito ang plano kung paano tutugon lalo na ang local government units (LGU’s) sakaling tumama ang ‘The Big One’.
Taong 2012 nang unang maglunsad ng Oplan Metro Yakal ang MMDA.
Kasama na sa plano ngayon ang international organizations tulad ng UNDP o United Nations Development Program at AUSAID o Australian Agency for International Development.
Bahagi ng Oplan ang 17 LGU’s sa Metro Manila at apat na LGU’s mula sa Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.
By Judith Larino | Jonathan Andal