Bukas ang Malacañang na palawigin ang mga serbisyo ng online portal na Sumbong sa Pangulo, na tumatanggap ng mga reklamo laban sa maanomalyang flood control projects.
Tugon ito ng Palasyo kasunod ng panukala ni Sen. Panfilo Lacson na buksan din ang website para sa mga sumbong at reklamo laban sa iba pang kwestyonableng infrastructure projects.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, sa ngayon ay bukas naman ang 8888 hotline ng gobyerno na maaari ring tumanggap ng mga reklamo laban sa mga maanomolya at kwestyonableng proyekto.
Pero kung makitaan aniya ng pangangailangan ng improvement o pagbabago sa website, bukas ang Malacañang na palawakin ang mga serbisyo ng Sumbong sa Pangulo.