Dalawa pang Consular Offices ng Department of Foreign Affairs sa mga malls ang pansamantalang ipinasara dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.
Ito, ayon sa DFA, ay bilang bahagi ng precautionary measure laban sa pagkalat ng COVID-19.
Nadagdag sa listahan ng mga tigil-operasyon ang consular service sites sa SM Megamall sa Mandaluyong at Carig Sur, Tuguegarao City sa Cagayan, simula noong Biyernes.
Balik operasyon naman ang nabanggit na tanggapan sa SM Megamall simula ngayong araw habang wala pang abiso kung kailan magbabalik-operasyon ang Consular Site sa Tuguegarao.
Una nang itinigil pansamantala ang operasyon ng Temporary off-site Passport Services ng DFA sa Robinsons Lipa, Robinsons Magnolia at SM Manila.