Sasalubungin ng rollback sa presyo ng gasolina at kerosene ang unang linggo ng Administrasyong Duterte
Ayon sa source sa industriya ng langis, maglalaro sa 50 hanggang 55 sentimos ang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina
Habang maglalaro naman sa 10 hanggang 20 sentimos ang rollback sa kada litro ng kerosene
Ngunit, mapapako naman sa kasalukuyang 25 hanggang 29 pesos ang presyo ng kada litro ng diesel dahil sa walang ipatutupad na paggalaw ang mga kumpaniya ng langis
By: Jaymark Dagala