Pinakawalan na ng Gobyerno ang barko ng North Korea na inimpound sa Subic, Zambales noong Pebrero.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na lumabas na ng bansa noong huwebes ang M/V Jin Teng matapos mabigyan ng clearance ang barko.
Pinigil ang barko na may kargang palm kernel noong February 27 dahil kabilang ito sa mga barkong nakapaloob sa sanction na ipinataw ng United Nations.
Sinabi ni Jose na inalis ng UN Security Council sa kanilang listahan ang M/V Jin Teng matapos mapatunayang walang kontrabandong dala ang barko .
Ang UN sanction na ipinasa noong Marso ay naglalayong parusahan ang North Korea dahil sa kanilang nuclear test, at 31 barko ng ocean maritime management company ang ang inilagay sa blacklist kasama ang M/v Jin Teng.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)