Inihayag ni Outgoing Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang joint oil exploration discussion ng Pilipinas sa China.
Ayon kay Locsin, tatalikuran ng Pilipinas ang kasunduan dahil sa mga constitutional constraints at mga isyu sa soberanya ng bansa.
Sinabi ng kalihim na kaniyang tinupad ang utos ng pangulo na tapusin na ang tatlong taong pakikipagtalakayan ng bansa sa China hinggil sa langis at gas na napakahalaga ngayon dahil sa tumataas na presyo nito sa international market.
Nabatid na pinaniniwalaang maraming lugar sa West Philippine Sea (WPS) na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa ay mayaman umano sa oil and gas reserves.