Tinatayang aabot sa mahigit libong Lotto Outlets ang naipasara ng NCRPO o National Capital Region Police Office sa buong Metro Manila kahapon, Hulyo 27
Ito’y pasok naman sa itinakdang 24 hour deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng kaniyang utos na tuluyang itigil ang operasyon ng Gaming Schemes sa ilalim ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office
Batay sa datos na inilabas ng NCRPO, aabot sa 487 na mga outlet ang naipasara ng Northern Police District, 300 outlet naman sa nasasakupa ng Eastern Police District, 450 outlets sa ilalim ng Manila Police District
Habang nasa 562 outlets naman ang naipasara ng SPD o Southern Police District at 376 outlets naman ang sa QCPD o Quezon Cit Police District
Ayon kay NCRPO Director, Police M/Gen. Guillermo Eleazar, natupad nila ang itinakdang deadline ng Pangulo na maipasara ang isandaang porsyentong Gaming Outlets ng PCSO sa kalakhang Maynila
Kasabay nito, nagpasalamat din si Eleazar sa mga operator ng mga Lotto Outlet sa boluntaryo nilang pagsasara bilang pagtalima na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte
Nakikita natin alarming ang yung kalagayan sa Negros Oriental kaya nga po sa kasalukuyan naka Full Alert an ating kapulisan doon ang ibig sabihin po ang lahat po
naka maximum present ang mga pulis natin nasa kanilang mga himpilan at ng gather din tayo ng check point sa operation at mga vacation leave ay cancelado at sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ang isinasagawa sa natural pagpatay kabilang na diyan sa pagpaslang yung kasama na apat na pulis,at yung ito lamang kamakailan lamang ay mga iba pang insidente ng pagpatay so maaari ito ay may kinalaman sa insurgency,o maari ito ay maykinalaman sa illegal na droga,or ito ay simpleng nagkakaroon nalamang na gantihan.
Ang tinig ni Ncrpo Chief P/Mgen. Guillermo Eleazar sa panayam ng DWIZ..