Simula Oktubre 2 ay magiging multi – purpose na ang NBI clearance bilang tugon sa programa ng Pangulong Duterte na padaliin ang pagkuha ng mga dokumento sa gobyerno.
Ito ang inihayag ni NBI Deputy Director for Information and Communications Technology (ICT) Service Jose Yap, sa panayam ng programang ‘Balita Na, Serbisyo Pa’ ng DWIZ.
Ayon kay Yap, maaari nang magamit ang NBI clearance kahit sa anumang requirements.
Kung saan pinag-isa na o hindi na hiwalay ang pagkuha ng naturang clearance para sa pag – travel abroad, local employment, pagkuha ng firearms, business at naturalization.
Ibig sabihin, hindi kana, wala na pong pang local, wala na pong pang travel abroad, wala na rin pong firearms, wala nang business, wala nang naturalization.
Ibig sabihin kapag kumuha ka ng NBI clearance magagamit mon a ‘yun kahit saan po.
Dagdag pa ni Yap, ‘fix rate’ ang pagkuha ng nasabing clearance na papako lamang sa P115.00.
Ngunit aniya, nagkakaroon lamang ng additional fee sa online payment dahil sa koleksyon ng service provider ng ahensya.
Ang fee po natin ay fix rate na po, one – one – five (115), wala nang one – one – six (116), wala nang one – four – five (145).
115 na lang po, one – one – five (115).
The same rate po tayo kaya lang sa online po, online payment po, ‘pag nag-online payment po kayo, ‘pag nag avail ng online service meron lang pong additional fee ‘yun na kinokolekta ng service provider natin.
Pero kung pupunta po kayo sa NBI, over – the – counter, one – one – five (115) lang po.
Gayunman, ipinabatid din ni Yap na pinaplano ng ahensya na magkaroon ng NBI clearance renewal card para sa mga magre-renew ng kanilang NBI clearance.
Ang pinaplano nga ho dyan para ma-address ho ang mga ganyang concern.
Tinitingnan po namin ‘yung possibility na mag – issue tayo ng ‘NBI clearance renewal card’, parang ito’y laminated card.
Para hindi na mawala ‘yung number.
Ito’y matatago ng ating mga kababayan sa ating mga wallet.
Renewal card, so, ‘pag magre-renew ka, ipi-present mo lang ‘yung card mo pwede na mag-renew.
_____