Malamig ang Commission on Elections o COMELEC sa hirit na mag-organisa ng debate sa pagitan ng mga senatorial candidate ng administrasyon na ‘Hugpong ng Pagbabago’ at ‘Otso Diretso’ ng oposisyon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, hindi na nila ma-a-asikaso ang pag-o-organisa ng isang debate lalo’t dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago ang May 13 midterm elections.
Magugunitang hiniling ng limang senatorial bets ng ‘Otso Diretso’ sa poll body na mag-organisa ng isang debate.
Gayunman, aminado si Jimenez na kanila pang tatalakayin ang hirit ng limang kandidato at kung magdesisyon ang Comelec en Banc pabor sa kanilang hiling, ay kanila naman itong ipatutupad.