Umaasa si senate president koko pimentel na tamang impormasyon at datos na ang nakalagay sa bagong vote’s identification o id cards na ipalalabas ng comelec o commission on elections.
Kaugnay nito, sinabi ni Senate minority leader Franklin Drilon na ang pag-iimprenta ng mga bagong voter’s id cards ay isang uri lamang ng pagsasayang ng pondo, enerhiya at oras ng ahensya.
Mas makabubuting suportahan na lamang ayon kay Drilon ang pagtataguyod ng Unified Identification System na makatutulong para sa mabilis na transaksyon ng publiko sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Kasunod nito, hinimok ni Drilon ang mga kapwa niya mambabatas sa Senado at Kamara na agarang aksyunan ang panukalang National ID system na kabilang aniya sa priority bills ng ehekutibo at lehislatura.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno
National ID system dapat isulong kaysa sa pag-iimprenta ng COMELEC ID was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882