Tiniyak ng National Food Authority na sapat ang supply ng bigas sa bansa, sa kabila ng masamang panahon.
Kasabay nito, kinumpirma ni NFA Administrator Larry Lacson na binaha ang isa sa kanilang mga bodega sa Occidental Mindoro ngunit sinabing humupa na ang tubig doon.
Samantala, sinabi ni Administrator Lacson na ilang local government units, tulad ng Puerto Princesa City, ang naghiningi na ng rice stock bilang paghahanda sa mga kalamidad na posible pang manalanta sa kani-kanilang lugar.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Social Welfare and Development para sa paglalabas ng supply ng bigas na gagamitin para sa pamimigay ng relief goods.
—sa panulat ni John Riz Calata