Umakyat na sa 4 ang naitalang patay sa lalawigan ng Quezon dahil sa landslide.
Sinabi ni fred bragas, ang public information officer ng Office of the Civil Defense-Disaster Risk Reduction Management Council sa CALABARZON region na huling narekober ang katawan ni Josha Lastimosa.
Habang una nang narekober ang bangkay ni Normita, 34 years old, ina ni Josh at ang 2 pa nitong kapatid na sina Joan, 10 taong gulang at Joylyn, 1 taong gulang.
Bukod dito, tiniyak din ni Bragas na wala namang nawawala sa mga residenteng naapektuhan ng landslide.
By: Allan Francisco