Aabot na sa P1.3B ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mahihirap na estudyante sa buong bansa.
Ayon sa DSWD, galing ang halagang ito sa P1.5B na kabuuang alokasyon ng ahensya para sa kanilang educational assistance program.
Pahayag ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez, na pumalo na sa 560,000 students ang nakatanggap ng financial assistance na ito at lampas na sa kanilang target na 400,000 students.
Kahapon, Setyembre a-24, tuluyan nang nagtapos ang distribusyon ng educational aid na mula sa DSWD.
Sinabi ni Lopez, na handa silang i-extend ang pamamahagi ng ayuda sakaling may matira pang pondo, ngunit kung talagang wala na, ikinalulungkot aniyang sabihin na kailangan na itong tapusin at hindi na maari pang palawigin.