Naiitindihan ni Incoming Vice President Leni Robredo kung ayaw pa siyang bigyan ngayon ni Incoming President Rodrigo Duterte ng posisyon sa gabinete nito.
Ayon kay Robredo, hindi obligasyon ng Pangulo na ilagay siya sa gabinete at wala, aniya, siyang karapatang manghingi ng pwesto.
Dagdag pa ni Robredo, Alter Ego ng isang Pangulo ang kanyang appointee kaya kilala dapat nito nang husto at pinagkakatiwalaan nang mabuti ang itatalaga.
Aminado si Robredo na hindi sila magkakakilala nang husto ni Duterte kaya naiintidinhan niya kung mayroon pang mga pangamba ngayon si Duterte sa kanya.
By: Avee Devierte