Maayos at payapa ang naganap na plebisito sa Palawan.
Ayon kay PNP OIC Police Lt. General Guillermo Eleazar, walang naitalang anumang untoward incident sa pagdaraos ng plebisito kung saan 1,000 pulis ang itinalaga para magbigay ng seguridad sa mga botante at election officials sa halos 500 polling centers.
Gayunman ipinabatid ni Eleazar na naging hamon ang transportasyon at maging panahon sa pag-deliver ng election materials sa mga polling centers samantalang maliit na problema naman ang paglalabas ng impormasyon dahil sa mahinang internet signal at masamang lagay din ng panahon.
Pinakamalaking hamon aniya sa kanila na matiyak na sumusunod ang mga tao sa health and safety protocols sa mga pagtitipon.