Nangangamba ang Public Attorneys Office (PAO) na lalo pang matagalan ang mga kasong isinampa kaugnay sa usapin ng dengvaxia.
Sinabi ni PAO Chief Percida Rueda-Acosta na posibleng abutin pa ng 100 taon bago matapos ang mga kaso hinggil sa dengvaxia kung magpapatuloy ang pag dribble sa kaso.
Kalat-kalat kasi aniya ang mga kasong nakahain sa Regional at Metropolitan Trial Courts.
Sa ngayon inihayag ni Acosta na nasa 55 kaso na may kaugnayan sa dengvaxia ang isinampa ng mga kaanak ng mga batang nabakunahan.
Dahil dito muling naghain ng manifestation ang PAO sa korte suprema para igiit ang agarang resolusyon sa petisyon na i consolidate ang lahat ng mga kaso sa iisang korte.