Patuloy ang Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng mga benepisyo at allowance ng mga healthcare workers sa publiko at pribadong sektor.
Inihayag ng DOH na P7.9-B na ang naipamahaging budget sa Centers for Health Development na inilabas ng Department of Budget and Management bilang COVID-19 allowance at benefit ng mga healthcare worker.
Batay sa datos ng DOH, nasa 90% na ng allowance ang ipinamahagi sa mga public hospital at health facilities habang 40% sa private healthcare facilities.
Hinikayat naman ng kagawaran ang mga health facilities na makipag-ugnayan sa kani-kanilang Centers for Health and Development para magsumite ng kaukulang dokumento upang matiyak ang napapanahong paglabas ng HEA sa mga healthcare worker bago mag-Pasko. —sa panulat ni Hannah Oledan