Nakapagtala ng mataas na anxiety level sa mga Pinoy Millenials at Gen Z Generation.
Ito’y batay sa isinagawang survey ng Deloitte Global kung saan nasa 48% ng mga Filipino millenials at 68% ng Gen Z ang kadalasang nakararanas ng anxiety.
Ilan sa mga itinuturong dahilan ay ang long term financial future, day to day finances, mental health at personal relationships
Ang naturang survey ay isinagawa nuong November 2021 hanggang January 2022 sa mahigit 40 bansa kabilang na ang Pilipinas.
Samantala, ilan naman sa mga pamamaraan ng Anxiety and Depression Association of America para maiwasan ang anxiety at stress ay pag-eehersisyo, kumain sa tamang oras, hindi pag-inom ng alak at kape, may sapat na tulog at kung maaari ay makipag-usap sa kaibigan at pamilya.