Umakyat na sa mahigit 1,100 katao na ang nadakip ng Philippine National Police dahil sa paglabag sa election gun ban.
Ito’y kinabibilangan ng mahigit 1,000 sibilyan, 9 na pulis, 2 sundalo, 1 fire officer, 12 government officials, 16 na sekyu, 5 empleyado ng isang law enforcement agency, at 2 miyembro ng Cafgu.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, kabilang sa mga nakumpiska ng pulisya ang halos 1,000 armas, mga patalim, mga granada, mga replika ng baril, at mga pampasabog.
Matatandaang sa pamamagitan ng isang resolusyon, ipinag-utos ng COMELEC ang pagbabawal sa pagbitbit ng armas kaugnay ng May 9, 2016 national and elections.
Ang gun ban ay epektibo mula noong Enero 10 hanggang sa Hunyo 8, taong kasalukuyan.
By Jelbert Perdez