Sabay na nakaranas ng aberya ang mga mananakay ng MRT line 3 at LRT line 2 kahapon.
Pasado 10:30 ng umaga, kahapon nang tumigil ang isang tren ng MRT sa pagitan ng Magallanes at Ayala station sa loob ng 10 minuto.
Dahil dito, pinababa ng tren ang mga pasahero at pinaglakad sa riles.
Ayon sa pamunuan ng MRT-DOTr, problema sa power supply sa mula Ayala hanggang Taft station ang dahilan ng aberya.
Samantala, mahigit 30 minuto namang natigil ang operasyon ng LRT line 2 dahil sa depektibong tren sa bahagi ng Gilmore station pasado 9:50 ng umaga kahapon.
Naibalik naman sa normal ang operasyon ng LRT 2 pasado 10:19 ng umaga.