Kinilala ang 83 taong gulang na lalaki mula sa Davao City bilang pinakamatandang umakyat sa Mount Apo, na itinuturing na pinakamataas na bundok sa bansa.
Pinarangalan ng Davao Del Sur Tourism Office si Pascacio Carcedo sa bagong record matapos umakyat sa Mount Apo.
Sinabi ni Carcedo na para ma-inspire siyang umakyat sa Mount Apo, inakyat muna niya ang tatlong mas mababang bundok sa munisipalidad ng Santa Cruz.
Napasakamay niya aniya ang Santa Cruz Trailblazer Award at nagpasalamat sa mga tumulong sa kanya sa pag-akyat sa tuktok ng Mount Apo.
Nalampasan ni Carcedo ang dating record holder, ang 80 anyos na Singaporean National na umakyat ng Mount Apo nuong 2021.